SURPRISES are better than PROMISES

Jamie Camille Yap. 19 years old. Degree Holder. Bachelor of Science In International Travel and Tourism Management. Lyceum of the Philippines University.Chocolates. Frappe. STITCH. Blogger. Frustrated Artist. Dancer.

Less Talk Less Mistakes Less Drama

Ayoko na magtanong ng magtanong kasi kung may care ka naman talaga sa nararamdaman ko sasabihin mo naman lahat eh. Pero bakit napaka unfair mo? Pero pag ako, putang ina galit na galit ka, pero pag ikaw okay lang kasi lalaki ka kasi alam mo ginagawa mo. So ako hindi ko alam ginagawa ko? Tapos ngayon tatanungin mo kung bakit ang lamig lamig ko na sayo. Hindi mo ba nararamdaman at napapansin na kailangan ko din naman maramdaman na na-a-appreciate mo ko? 

May times na alam ko na pero hindi mo pa din inoopen sakin. Ganun ba ako katanga sa paningin mo? na porket alam mong mahal na mahal kita at hindi kita kayang iwan eh gagawin mo na to sakin.

Pinili kong manahimik kahit sa totoo ang dami ko gustong tanungin sayo at kahit ang daming gumugulo sa isip ko. Pero ano nga ba magagawa ko? pag iniwan mo ko tiyak may mababalikan ka pero ako pag iniwan mo ni isa wala akong mababalikan, mag sisimula ulit.

PAGOD KA NA BA?

Hindi ko alam kung sino nagsulat nito. Nakita ko lang at nabasa. Ang galing niya ha. Kasi sa tuwing susuko na ko sa taong mahal ko binabasa ko lang to.

"KUNG MAHAL MO SIYA AT PAGOD KA NA… WALANG PROBLEMA… EDI MAGPAHINGA KA. ‘WAG YUNG HIHIWALAYAN MO AGAD SIYA KASI PAKIRAMDAM MO PAGOD KA NA. MINSAN KASI MAY IBANG DAHILAN TALAGA KAYA MO NASASABI YUNG SALITANG PAGOD KA NA.

 SIGURO ISA NA SA MGA RASON ANG MALAKING PAGKAKAIBA NG UGALI NIYO. SA KILOS, PANANALITA, PAG-AARAL, TRABAHO, KINAKAIN, PINAPANOOD, PINUPUNTAHAN AT IBA PA..

 PERO ETO NALANG ANG TATANDAAN MO… PAG PAGOD BA HIWALAYAN AGAD ANG SOLUSYON? BAKIT HINDI MO ALALAHANIN LAHAT?

  •  KUNG PAANO KA NIYA NAPASAYA NOONG PANAHONG MALUNGKOT KA..
  • KUNG PAANO KA NIYA DINAMAYAN NOONG IKAW ANG INIWAN..
  • KUNG PAANO KA NIYA BINIGYAN NG DAHILANG MAGMAHAL ULIT NOONG NASAKTAN KA..
  • KUNG  PAANO KA NIYA ININTINDI SA KABILA NG MGA MASASAKIT NA NASASABI MO SA KANYA..
  • KUNG PAANO SIYA MAKINIG SAYO NOONG PANAHON NA WALA KANG MAPAG SABIHAN NG PROBLEMA..
  • KUNG GAANO KA KA-ESPESYAL SA KANYA KASI MAHAL NA MAHAL KA NIYA…

 NAAALALA MO PA BA? OKAY NAMAN KAYO DIBA? ANG SAYA SAYA NIYO NGA EH, DIBA? NAGKATAON LANG TALAGA SIGURO NA MADAMING GUMUGULO SA ISIP MO KAYA NAISIPAN MONG MAKIPAG HIWALAY KASI AKALA MO YUN YUNG MADALING PARAAN PARA MABAWASAN ANG MGA PROBLEMA MO.

 HAYAAN MO, WAG KA NA MALUNGKOT.. INAANTAY KA NIYA NGAYON AT IINTINDIHIN KA NIYA. MAG-USAP KAYO AT LAWAKAN MO ANG ISIP MO. WAG MO DIN PAIRALIN ANG INIT NG ULO MO PARA MAGKAINTINDIHAN KAYO.

 TANDAAN MO… KUNG PAGOD KA, MAGPAHINGA KA LANG AT WAG KA SUSUKO..

KASI MAHAL KA NAMAN NIYA EH. MAHAL NA MAHAL.”

"Okay lang! Sanay na ako."

Gusto mo ba ayan nalang palagi mong maririnig sa taong mahal mo? Na sanay na siya sa ginagawa mo sakanya? Oh dude! Wake up! Nakakapagod kaya. Magulat ka nalang isang araw pag gising niya sanay na siya na wala ka at magugulat ka nalang isang araw pag gising mo doon mo lang na-appreciate lahat ng ginawa niya para sayo. Eh kung huli na ang lahat? Iniwan ka na. Masisisi mo ba siya na sinanay mo na lagi kang wala o masisisi mo ang sarili mo dahil nag kulang ka?

BEBEKO JHANE <3

BEBEKO JHANE <3

MAMA MOCHA (:

MAMA MOCHA (: